^

Metro

Shabu laboratory sa Parañaque sinalakay

-
Bultu-bulto ng mga kemikal na pangunahing sangkap sa paggawa ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Parañaque Police matapos salakayin ang isang laboratoryo ng shabu sa Parañaque City, kahapon ng madaling-araw.

Nadakip sa isinagawang operasyon ang isang Chinese national na hinihinalang namamahala sa naturang shabu lab.

Ayon kay PDEA Executive Director Anselmo Avenido Jr., isinagawa ang raid kahapon ng madaling- araw sa isang bagong tayong shabu laboratory sa Lot 5, 6, at 7, Block 11, Nazareth St., Multinational Village sa nasabing lungsod.

Nakilala ang nadakip na dayuhan na si Li Zhong Hong, alyas James Lian na di na nakapalag matapos makorner ng raiding team.

Sinabi ni Avenido na kabilang sa nasamsam sa lugar ang may 500 kahon ng sari-saring uri ng kemikal, 46 na kahon ng thyionil chloride at 13 kilo ng ephedrine na makakayang magprodyus ng siyam na kilo ng shabu.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng Parañaque Regional Trial Court Judge Fortunico Madrona.

Personal namang ininspeksyon kahapon ng umaga nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at DILG Secretary Angelo Reyes ang nasabing shabu laboratory.

Natuklasan lamang ang naturang gawaan ng shabu makaraang magreklamo ang Homeowners Association sa nasabing subdibisyon hinggil sa mabahong amoy na nanggagaling sa naturang bahay.

Ang bahay ay sinasabing pag-aari ng isang Joseph Chan na ngayo’y pakay ng operasyon ng mga awtoridad. (Ulat nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla)

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR ANSELMO AVENIDO JR.

HOMEOWNERS ASSOCIATION

JAMES LIAN

JOSEPH CHAN

JOY CANTOS

LI ZHONG HONG

LORDETH BONILLA

MULTINATIONAL VILLAGE

NAZARETH ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with