^

Metro

4 na fetus natagpuan sa Maynila

-
Isang FX taxi driver ang inaresto ng pulisya matapos na makuha sa kanya ang isang patay na fetus na pinaniniwalaang kasama pa sa tatlong iba pang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Jonard Sabiaga, driver ng FX taxi na may plakang TBC-463. Kasalukuyan na itong iniimbestigahan dahil sa pagkakaugnay sa iba pang patay na fetus na natagpuan sa lungsod.

Unang nadiskubre ang tatlong buwang fetus na nakalagay sa isang plastic bag sa tapat ng Echague Lodge sa may Carlos Palanca St., Sta. Cruz, Maynila.

Ayon sa mga nakasaksing bata nakasakay umano sa isang FX taxi ang nagtapon ng bag sa naturang lugar.

Dakong alas-10:20 naman ng umaga nang isa pang tatlong buwang fetus ang nakita sa tapat naman ng Jose Reyes Memorial Medical Center na sinundan naman ng pagkakita pa sa isang fetus na nakalagay sa isang paper bag dakong alas-12:15 ng tanghali sa tapat ng Sacred Heart of Jesus Parish Church sa Old Sta. Mesa St., sa Sta. Mesa, Maynila.

Ilang minuto lamang ang nakalipas at nasabat si Sabiaga sa kanyang minamanehong FX taxi sa may Sta. Cruz, Maynila kung saan natagpuan sa ilalim ng upuan ang isang kahon na doon nakalagay ang isa pang fetus.

Subalit nangatuwiran naman si Sabiaga na maaaring ang dalawang babae na kanyang sakay ang nag-iwan ng kahon sa loob ng kanyang sasakyan. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

CARLOS PALANCA ST.

CRUZ

DANILO GARCIA

ECHAGUE LODGE

ISANG

JONARD SABIAGA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

MESA ST.

OLD STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with