Factory worker, patay sa hit and run
October 11, 2004 | 12:00am
Halos kumalat sa kalsada ang utak ng isang factory worker makaraang masagasaan habang tumatawid sa EDSA, Balintawak kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Marlon Villanueva, 24 ng #20 Luzon Ave. Old Balara, Brgy, Tandang Sora dahil sa pagkabasag ng bungo.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Ronquillo Maano ng Quezon City Traffic Sector 1, dakong alas 2:40 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa West Service Road ng EDSA, Balintawak ng naturang lungsod.
Kasama ng mga katrabaho, tinamad umanong gumamit ng overpass ang biktima hanggang sa makipagpatintero sa mga dumadaang sasakyan.
Hindi nito napansin ang mabilis na dating ng isang sasakyan na hindi naplakahan hanggang sa salpukin ang biktima at tumilapon. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest