P2.5-M nakulimbat sa pawnshop
October 11, 2004 | 12:00am
Umaabot sa P2.5 milyon ang halaga ng mga alahas na natangay ng mga hindi pa nakikilalang suspect nang pagnakawan ng mga ito ang isang pawnshop kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Sa report ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang matuklasan na nilimas ng mga suspect ang alahas sa JDC Pawnshop sa Alba Compound, Brgy. Gen. T. de Leon sa nasabing lungsod.
Lumilitaw sa imbetigasyon na binutas ng mga suspect ang pader na nag-uugnay sa isang bahay at sa sanglaan hanggang sa gamitan ng acetylene ng mga ito ang vault ng alahas.
Nabatid na isang bakla at babae ang nangupahan ng bahay dahil sa gagawin itong parlor. Dalawang araw pa lamang ang mga ito nang isagawa na ang pagnanakaw.
Hinihinala ng pulisya na matagal sa loob ng pawnshop ang mga suspect dahil inalis pa ng mga ito sa plastic ang mga alahas.
Kaugnay nito, may hawak na ring carthographic sketch ang mga awtoridad na larawan ng mga suspect. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended