Addict nang-hostage dahil sa shabu
October 11, 2004 | 12:00am
Isang 37 anyos na addict ang nang-hostage ng dalawang katao makaraang hindi makakuha ng shabu para sa kanyang bisyo kahapon ng tanghali sa Las Piñas City.
Halos isang oras din tumagal ang hostage hanggang sa malinlang ng mga pulis at masakote ang suspect na si Gilbert Escano, 37 ng Brgy. Zapote habang nilalapatan naman ng lunas sa Las Piñas District Hospital ang mga biktimang sina Amalia Motes at Arsenio Maranan kapwa residente ng Santos Homes II, Brgy. Pulang Lupa I, Las Piñas City.
Batay sa report na natanggap ni Las Piñas City Police chief Sr. Supt. Perpetuo Samson naganap ang insidente dakong alas-12:25 ng tanghali sa bahay ng mga biktima.
Nabatid na sinumpong ang suspect kung saan naghahanap ito ng shabu hanggang sa magtungo sa bahay ng mga biktima at tutukan ng patalim.
Humihingi ng shabu ang suspect kung kayat agad namang gumawa ng taktika ang mga nagrespondeng pulis.
Pinangakuan ng mga pulis ang suspect na bibigyan ng shabu kapalit ng pagpapalaya sa mga biktima. Agad namang sumang-ayon ang suspect hanggang sa dambahin ito ng mga awtoridad.
Kasalukuyang nakakulong si Escano sa himpilan ng pulisya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended