LRT employees ayaw kay Robles
October 10, 2004 | 12:00am
Umaabot sa 85 porsiyento na kawani ng Light Rail Transit ang patuloy na tumututol sa pananatili bilang administrator ni Mel Robles bunga na rin ng ipinakita nitong diskriminasyon at pagiging diktador sa pamamahala sa nasabing tanggapan.
Sa panayam kay Dominique Cabigting, Assistant Chief ng LRT 2, isang linggo pa lamang nanunungkulan si Robles bilang pinuno ng LRT subalit may plano na umano ito na alisin sa tungkulin ang mahigit na 1,000 contractual employees.
Ayon kay Cabigting, hindi umano maganda ang ginagawang pagdikta ni Robles na sumapi sila sa El Shaddai kapalit ng katiyakang mare-renew ng mga empleyado ang kanilang kontrata.
Subalit ayon kay Robles, walang katotohanan ang alegasyon na sisibakin niya ang mga dinatnang kawani at maging ang pamumuwersa na pasapiin ang mga ito sa grupong El Shaddai.
Iginiit ni Cabigting na ipupursige nila ang kanilang gagawing kilos protesta upang ipakita sa pamahalaan na hindi sila pabor sa pagkakatalaga kay Robles bilang LRT Administrator. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended