^

Metro

1 dedo, 2 sugatan sa killer highway

-
Isa ang namatay habang dalawa naman ang nasa malubhang kalagayan makaraang sumalpok ang isang van sa tumirik na 10-wheeler truck kahapon ng tanghali sa Muntinlupa City.

Dead-on-the-spot si Edgar Alcovedas, driver ng van na may plakang PTG-650 habang ginagamot naman sa South Super Highway Medical Center si Ronilo Broquiza at Wesley Gumalani. Kusang loob namang sumuko sa pulisya si Peter Alarcon, driver ng truck na may plakang GMY-593.

Ayon sa Traffic Management Group (TMG) naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng tanghali sa kahabaan ng SLEX sa Brgy. Sucat, ng naturang lungsod.

Nasiraan si Alarcon ng truck kung kaya’t pumarada siya sa tabi upang magpalit ng gulong.

Subalit nagulat na lamang siya nang biglang may kumalabog at nakita niyang naiipit na si Alcovedas na naging dahilan ng agad na kamatayan nito.

Inaalam pa ng pulisya kung lasing si Alcovedas nang maganap ang insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALARCON

ALCOVEDAS

AYON

EDGAR ALCOVEDAS

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

PETER ALARCON

RONILO BROQUIZA

SOUTH SUPER HIGHWAY MEDICAL CENTER

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

WESLEY GUMALANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with