Graduating student patay sa frat rambol
October 3, 2004 | 12:00am
Tuluyan nang hindi nakapagtapos sa kanyang kurso ang isang 4th year Engineering student at miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity makaraang barilin at pagtulungang pagsasaksakin hanggang sa napatay ng karibal na fraternity, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Philippine General Hospital ang biktimang si Frederick Vergara, 28, binata, ng Purok 1 Blk. 11 Lot 8 Villa Luisa North Bagumbong, Caloocan City, sanhi ng tama ng bala at saksak sa katawan.
Nadakip naman ng mga nagpapatrulyang kagawad ng Mobile Group ang suspect na sina Anthony Alesna, 23, may-asawa, estudyante rin ng Adamson University at residente ng #971 P. Rustia compound San Marcelino St., Ermita at Gregor Ariston, 28, binata, walang trabaho, ng Mindanao St., Balic-Balic, Sampaloc, Manila at kapwa miyembro ng Alpha Phi Omega Fraternity.
Sa report ni SPO3 Radito Perez ng Homicide Division, dakong alas-11:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Taft Ave. kanto ng Ayala Blvd., harapan ng Sta. Isabel College.
Nabatid na galing ang biktima at ilang kaklase mula sa panonood ng isang concert sa kanilang eskuwelahan at habang naghihintay ng masasakyan ay dumating ang mga suspect at agad na sinugod ang una.
Mabilis na tumakbo ang biktima subalit naharang ng isa sa suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ng di-nabatid na kalibre ng baril.
Nabatid na bago naganap ang insidente ay nauna nang nagkaroon ng kaguluhan sa harapan ng Adamson University sa pagitan ng magkalabang Tau Gamma Phi at Alpha Phi Omega kung saan nakarekober ng pillbox ang mga kagawad ng Explosive Ordnance Division. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended