3 PBA Fil-Ams nambugbog ng bank exec
October 3, 2004 | 12:00am
Tatlong Fil-American player ng Philippine Basketball Association (PBA) kabilang ang boyfriend ng aktres na si Rufa Mae Quinto ang inireklamo sa pulisya matapos nilang pagtulungang gulpihin ang kapwa nila Fil-Am na executive vice-president sa isang bangko na naganap sa isang sikat na bar sa Makati City kamakailan.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Makati City Police Complaint Desk, inireklamo ng kasong panggugulpi ang mga player na sina Rudy Hatfield, nobyo ni Rufa Mae; Asi Taulava at Erick Menk.
Samantala, ang biktima naman ay nakilalang si Peter Dizon, 38, isa ring Fil-Am at pansamantalang naninirahan sa #23 Concord St., Olympus Subdivision, Novaliches, Quezon City at executive vice president ng Sovereign Bank.
Sa reklamo ni Dizon sa pulisya, naganap ang insidente noong nakaraang Linggo dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa loob ng Venecia Bar and Restaurant na matatagpuan sa loob ng Glorietta 2, Ayala Center, Makati City.
Ayon sa biktima, kasama niya ang kanyang pinsan upang mag-good time sa nabanggit na bar kung saan naroon din ang mga player na nag-iinuman.
Hindi sinasadyang napatingin siya sa tatlo kung saan bigla siyang kinursunada ng mga ito nang walang dahilan.
Nabatid na rito na siya pinagtulungang gulpihin ng tatlong player kung saan nagtamo siya ng maraming pasa at sugat sa katawan dahilan upang dalhin siya ng kanyang pinsan sa pagamutan.
Hindi agad nakapagharap ng sumbong ang biktima laban sa tatlong player dahil sa naratay siya ng ilang araw dahil sa matinding pagkabugbog. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended