Estudyanteng nabuntis, iniwanang nobyo nagbigti
September 29, 2004 | 12:00am
Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti ang isang 21-anyos na estudyante na tatlong buwang buntis makaraang iwanan siya ng kanyang kasintahan, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Nakilala ang nasawi na si Christine Palonar, na natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto sa Coronado Subdivision, Makaturing St., Brgy. Barangka ng nasabing lungsod.
Isang nylon cord na ipinulupot nito sa leeg at ang kabilang dulo ay sa bakal ng bintana ang ginamit nito sa pagpapakamatay.
Isang suicide note naman ang nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima na naglalaman ng paghingi nito ng tawad sa kanyang mga magulang.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na posibleng hindi nakayanan ni Palonar ang problema makaraang iwanan ito ng kasintahan sa kabila na siya ay nagdadalantao. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended