Dalagita dinukot at saka ginahasa
September 26, 2004 | 12:00am
Nanlulumo ang isang mag-asawa nang matuklasan na ang kanilang anak na 15-anyos na dalagita na puwersahang tinangay ay ginahasa ng isang sinasabing maimpluwensiyang negosyante sa Tayuman St., Sta. Cruz, Maynila.
Lumuluha ang mga magulang nang dumulog sa mismong opisina ng Western Police District Press Corps (WPDPC) at humingi ng tulong para sa biktima na nakilalang si Analyn (hindi tunay na pangalan) second year high school, kasama ang kanyang lola, dala ang sinumpaang salaysay mula sa WPD Womens and Childrens Desk.
Sa salaysay ng biktima, papasok siya noong Hulyo 30 sa eskuwelahan nang abangan umano siya ng suspect na kilala sa tawag na Sir Marlon Bruno, ng #195 Paang Budok Dr. Alejos St., La Loma, Quezon City, umanoy kilalang nagmamay-ari ng ibat ibang peryahan na nakakalat sa Maynila.
Pilit umano siyang isinakay sa isang van na hindi niya nakuha ang plaka at kung saan-saan umano siya dinala ng suspect. Pinakahuli ay dinala ang biktima sa mismong bahay ng suspect at dito ay pilit siyang pinainom ng Red Horse saka ginahasa ng suspect.
Nagmamakaawa aniya siya sa suspect subalit mistula umanong inaari siyang asawa nito hanggang nitong Sept. 10 nang makatiyempo ng pagkakataon ang biktima at nakatawag ito sa kanilang bahay at dito ay nakagawa ng paraan ang biktima na nagpasundo sa isang lugar sa kanyang mga magulang.
Lumilitaw na matapos na gahasain ay pinangakuan pa ng suspect ang biktima na pakakasalan ito subalit lumilitaw na kasal na ang suspect at nagsasama rin ito at ang kanyang asawa.
Napilitang dalhin ng biktima at mga magulang nito ang kanilang statement sa media matapos na umanoy bigyan sila ng babala mula sa tanggapan ni Insp. Zhirlanda Macaraig Worly, hepe ng Womens and Childrens Desk na "huwag na umanong ipaalam sa media ang insidente dahil magiging magulo lang", pahayag ng mga magulang ng biktima. Sa puntong ito ay nalaman nga ng media na kulang ang ginawang report ng tanggapan ng Womens and Childrens Desk dahil nakalagay lang sa statement ay seduction sa halip na ang maging kaso laban sa suspect ay abduction with rape. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended