Nangholdap kay Maxene Magalona, timbog
September 26, 2004 | 12:00am
Naaresto kamakalawa ng gabi ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang dalawang kilabot na holdaper/snatcher na bumibiktima ng mga estudyante kabilang ang anak ng tinaguriang master rapper na si Francis Magalona sa Quezon City.
Kasalukuyan nakapiit sa CPD-Anonas Police Station ang mga suspect na nakilalang sina Edgar Garcia, 20, at Jonel Cambre, 28, ng Ronas Garden Squatters Area, Brgy. Loyola Heights ng nasabing lungsod matapos na kilalanin ng biktimang si Monica Christine Reyes, 18, estudyante ng Ateneo de Manila na isa sa mga biniktima ng mga ito.
Napag-alaman na naispatan ng mga operatiba sa Ronas Garden, Xaverville ang dalawang suspect habang hinoholdap dakong alas-9:10 ng gabi kamakalawa si Paul Delgado na tinangayan ng mga ito ng 7250 cellphone.
Agad namang hinabol ng mga awtoridad ang dalawa na sakay ng Kawasaki Motorcycle na may plakang NZ-1579 at nasakote.
Matapos madakip naglutangan na sa presinto ang mga naging biktima nito na karamihan ay mga estudyante, kabilang dito ang aktres at model na si Maxene Magalona na nabiktima noong nakaraang buwan. Positibong kinilala ni Maxene ang dalawa na siyang bumiktima sa kanya.
Base sa rekord, hinablot ng dalawang suspect ang dalang cellphone ng aktres habang naglalakad ito sa bahagi ng Katipunan Avenue.
Nabatid na may impormasyong natanggap ang pulisya na ang squatter area umano sa Ronas Garden ang ginagawang hide-out ng mga notoryus na holdaper at snatcher. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended