Stevedore nabagsakan ng cargo, patay
September 19, 2004 | 12:00am
Basag ang bungo ng isang 39-anyos na stevedore makaraan matamaan ng binababang cargo sa ulo, kahapon ng madaling araw sa North Harbor, Maynila.
Hindi na umabot nang buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang nakilalang si Rodolfo Manasala, 39, binata, stevedore ng Arastre Stevadory Services Inc. at residente ng #1247 Masinop St., Tondo, Maynila.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:25 kahapon ng madaling-araw sa Pier 8, North Harbor.
Nabatid na nagbaba ng kargamento ang biktima mula sa Solid Sky cargo vessel.
Nagkaroon umano ng problema nang hindi maalis ng biktima ang pagkakatali ng kargamento sa isang cargo vessel na naging dahilan upang maiwan sa ere ang biktima.
Pinilit ng biktima na maialis ang hook mula sa kargamento ngunit hindi nito namalayan ang papadating pang cargo na nagresulta sa pagkakauntog nito sa malaking cargo van.
Nahulog pa ang biktima nang mauntog na nagresulta sa pagkakabagok nito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended