^

Metro

Dalaga na-sandwich ng bus at van,patay

-
Isang dalaga ang nasawi, habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa pa makaraang maipit sa dalawang nagbanggaang sasakyan, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Eloisa Pulumbarit, 22, masscomm graduate sa UP Bagiuo at naninirahan sa San Agustin, Hagonoy, Bulacan, samantalang nagtamo naman ng mga pinsala sa ulo at katawan ang isa pang biktima na si Romina Tibacay.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa kanto ng Timog at EDSA sa Quezon City.

Napag-alaman na magkasabay na tumatawid sina Pulumbarit at Tibacay nang bigla na lamang sumulpot ang rumaragasang Nova Transit na may plakang (TWL-653) na unang sumalpok sa likurang bahagi ng isang Isuzu van sa mismong stop light at aksidenteng naipit ang dalawa.

Dahil sa pagkaipit sa nagbanggaang sasakyan, napinsala ang kaliwang hita ni Tibacay, habang si Pulumbarit ay nawalan ng ulirat nang mabagok ang ulo at agad na isinugod sa nasabing ospital subalit binawian din ng buhay.

Samantala, nasa poder na ng Traffic Sector 4 ang driver ng bus na nakilalang si Den Regua at inihahanda na ang kaso laban dito. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

DEN REGUA

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ELOISA PULUMBARIT

NOVA TRANSIT

PULUMBARIT

QUEZON CITY

ROMINA TIBACAY

SAN AGUSTIN

TIBACAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with