Trader nilooban at saka pinatay
September 17, 2004 | 12:00am
Nilooban at saka pinatay ang isang Chinese national ng hindi nakikilalang kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng Akyat-Bahay Gang, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Nakilala ang nasawi na si Hwang Jian Ming, 29, ng #50 Dau St., 6th Avenue ng nasabing lungsod.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jaime Basa, may hawak ng kaso dakong alas-5:50 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng tindahan nito sa Challenge Poly Enterprises na matatagpuan sa 145-A San Miguel Compound malapit sa panulukan ng 9th at 10th Avenues, Caloocan City.
Lumalabas sa imbestigasyon na sinira ng mga suspect ang safety vault sa loob ng tindahan ng biktima at nakapasok ito sa loob sa pamamagitan ng pagdistrungka sa pintuan.
Ayon naman sa ama ng biktima na si Benson Uy, hindi na ginagamit ng kanyang anak ang safety vault dahil nagloloko ito ngunit ang pera nito sa bulsa na mahigit sa P10,000 at mamahaling cellphone ay nawawala.
Ayon pa sa teorya ng mga awtoridad, posibleng naganap ang insidente sa pagitan ng alas- 11 ng gabi hanggang alas-5:50 ng madaling-araw.
Kaugnay nito, may 22 trabahador ng biktima ang sumasailalim sa imbestigasyon para alamin kung may kinalaman sila sa naganap na krimen. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended