^

Metro

Lider ng Pentagon group nadakip

-
Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na elemento ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) ang sinasabing most wanted leader ng ‘Pentagon Kidnap for Ransom syndicate’ na sangkot sa pagdukot sa mga mayayamang negosyante sa Mindanao.

Iniharap ni DILG Secretary Angelo Reyes ang nadakip na suspect na si Nasurdin Abdul, alyas Akmad Abubakar at alyas Kumander Nas, 36, at Tanto Ali, alyas Wali na nadakip ng pinagsanib na puwersa ng National Anti Kidnapping Task Force (NAKTF) at Intelligence Service ng AFP (ISAFP) sa isang sangay ng Jollibee sa FTI sa Taguig matapos na magpalabas ng warrant of arrest si Judge Japal Gulani ng RTC 13 at 14 ng Cotabato City.

Ayon kay Reyes, si Abdul ay sinasabing nagsasagawa ng kidnapping operation sa Cotabato City, Davao Socsargen, North Cotabato at Maguindanao.

Mayayamang negosyente ang target ng grupo ni Abdul kung saan ilan sa mga nabiktima nila ay nakilalang sina Jean Tan Lee, ng Digos, Davao del Sur; Dr. Rosemarie Agustin ng Cotabato; Norman Sia ng Polombok, South Cotabato at Sio Hong ng Marbel, South Cotabato.

Batay sa rekord, si Abdul ay tumakas mula sa Central Mindanao at nagtago sa Kamaynilaan at nasa ilalim ng order of battle ng PNP at AFP. May patong ito sa ulo na P500,000.

Agad namang inutos ni Reyes ang pagdadala kay Abdul sa Cotabato upang harapin ang pitong kaso ng kidnapping sa korte.

Samantala, nadakip din si Tanto Ali, alyas Wali na sinasabing henchman ng napatay na kidnap leader na si Commander Tahir Alonto.

Si Ali ay sangkot at siyang nagplano ng padukot sa Chinese trader na si Pablo Cua sa Cotabato City; sa commercial warehouse operator Cu Vincent Uy sa Midsayap, North Cotabato noong 2002 at sa retired public school teacher na si Domingo Cubita noong Marso 25 ng kasalukuyang taon.

Nabatid na umaabot na walong miyembro ng Pentagon KFR ang sumuko, habang 11 naman ang napatay at 131 ang naaresto.

Idinagdag ni Reyes na hanggang sa ngayon ay patuloy ang operasyon ng DILG-NAKTF laban sa grupong Pentagon upang magkaroon ng katahimikan sa Central Mindanao. (Ulat nina Doris Franche at Joy Cantos)

ABDUL

AKMAD ABUBAKAR

CENTRAL MINDANAO

COMMANDER TAHIR ALONTO

COTABATO

COTABATO CITY

NORTH COTABATO

REYES

SOUTH COTABATO

TANTO ALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with