^

Metro

9 bold stars hubad na nag-rali,arestado

-
Inaresto ng mga kagawad ng Traffic Management Unit ng Western Police District (WPD) ang siyam na bold starlet dahil sa pagpo-pose na litaw ang kanilang mga dibdib sa harap ng publiko, kahapon sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Nakilala ang mga dinakip na starlet sa kanilang screen name na si Kat de Santos; Jeannete Joaquin; Mikaela Monteverde; Kudet Honasan at mga miyembro ng Shampoo Girls na sina Palmolive Palma; Rejoice Rivera; Pantene Palomino; Lux Laurel at Ivory Ibanez.

Nabatid na dinakip ang mga starlet dakong alas-3:30 ng hapon habang nagsasagawa ng pictorial para sa isang magazine sa may harap ng Rajah Sulaiman Park sa Roxas Boulevard sa Malate, Manila. Nabatid na ilang metro rin lang ang layo ng naturang pictorial sa Malate Church.

Buhat naman sa parke, tumawid pa ang mga babae sa Roxas Boulevard patungo sa Baywalk kaya lumikha ng malaking pagbubuhol ng trapiko ang naturang pictorial dahil sa paghinto ng mga motorista na nais makasilip sa mga babae.

Dinumog rin ng mga usisero ang rali ng mga starlet sa kabila ng malakas na ulan dahil sa naka-topless ang mga ito at nakasuot lang ng t-back bikini, transparent raincoat at payong.

Sa loob ng istasyon, nagpakita naman ang mga babae na nire-represent ng kanilang manager na si Danny Batuigas ng Water Splash Inc. ng permit buhat sa Manila City Hall. Hindi naman nakasaad sa naturang permit na magpapakita sila ng dibdib.

Ang rali ay isinagawa ng mga starlet matapos na i-ban sa malalaking sinehan ang kanilang mga pelikula. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

DANILO GARCIA

DANNY BATUIGAS

IVORY IBANEZ

JEANNETE JOAQUIN

KUDET HONASAN

LUX LAUREL

MALATE CHURCH

MANILA CITY HALL

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with