^

Metro

Pekeng pari nabuko, timbog

-
Dinakip ng pulisya ang isang lalaking kapangalan ng kilala at yumaong cartoonist ng bansa na si Larry Alcala makaraang magpanggap na pari at magsagawa ng misa sa isang lamayan kapalit ng singil na P600 sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Si Larry Alcala, 39, tubong Quezon Province ay inaresto ng mga tauhan ng CPD-Kamuning Police Station 10 habang nagmimisa sa loob ng St. Peter’s Memorial Chapel sa Quezon Avenue, Brgy. Roxas,Quezon City.

Ayon kina Inspector Mario Asis ng PDEA at Army Captain Camilo Saddam, mga kamag-anak ng pinaglalamayan, dakong alas-10:30 ng gabi nang dumating ang suspect sa lamayan at nagpakilalang isang pari.

Anila, nagprisinta sa kanila si Alcala na magdaos ng misa para sa kanilang yumaong kamag-anak sa halagang P600.

Sa pag-aakala na tunay na pari ay pumayag ang mga kamag-anak ng yumao na magsagawa ito ng misa.

Ngunit sa kalagitnaan ng misa, nagduda sina Asis at Saddam, dahil sa kakaiba nitong pagsasagawa ng misa at nagbabanggit din ito ng mga salitang motorsiklo, kuwatro, bisikleta na base sa bersikulo tres ng binabasa nitong Bibliya.

Sa presinto, sinabi ng suspect na Aglipayan priest siya at miyembro ng Savior ng Divine World subalit wala naman itong maipakitang dokumento na magpapatunay na isa siyang pari.

Nabatid din na kinikilan ni Alcala ng malaking donasyon ang pari na si John Regalado, vocation director ng Christ the King Missionary noong nakaraang buwan lamang. (Ulat ni Doris Franche)

ALCALA

ARMY CAPTAIN CAMILO SADDAM

CHRIST THE KING MISSIONARY

DIVINE WORLD

DORIS FRANCHE

INSPECTOR MARIO ASIS

JOHN REGALADO

KAMUNING POLICE STATION

LARRY ALCALA

MEMORIAL CHAPEL

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with