Helper 'pugot-ulo' sa tren
September 15, 2004 | 12:00am
Kalunus-lunos na kamatayan ang inabot ng isang helper na sakay ng kanyang pedicab makaraang makaladkad ng isang tren sanhi upang mapugutan siya ng ulo at magkagutay-gutay ang katawan nito, kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Ambet Oreno, 22, ng #2041 Felix Huertas St., Sta. Cruz, Maynila.
Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa may panulukan ng Rivera at Antipolo Sts. sa Sta. Cruz.
Nabatid na kagagaling pa lamang ng biktima buhat sa palengke sa Blumentritt kung saan bumili ito ng mga paninda para sa barbeque stand ng kanyang amo.
Papauwi na ang biktima na nagmamadali umano nang unahan nito ang barerang harang sa riles bago ito tuluyang maibaba. Hindi rin nito pinansin ang napakalapit ng tren at pilit pa rin itong tumawid subalit minalas na sumabit ang gulong ng dala nitong pedicab sa nakausling bakal sa riles.
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makababa ng pedicab ang biktima at tuluyan na itong inabutan at binangga ng tren. Gumulong pa ng may 50 metro ang napugot na ulo nito, habang nakaladkad naman ng may 200 metro ang nalamog nitong katawan.
Hindi naman huminto ang tren na nakasagasa at dumiretso sa istasyon nito sa may Tutuban.
Kasalukuyan ngayong nakikipag-ugnayan ang pulisya sa PNR upang makilala ang driver ng tren. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended