^

Metro

Claire dela Fuente kinasuhan ng trader

-
Sinampahan kahapon ng kasong falsification of public documents ang singer na si Claire dela Fuente sa Quezon City Prosecutors Office.

Si dela Fuente na Pangulo ng Integrated Metro Bus Operators Association (IMBOA) at residente ng 16 Lancaster St. Hillsborough Village, Muntinlupa City ay idinemanda ni Santiago Maniago ng Batasan Hills, Quezon City dahil sa maanomalyang bentahan ng bus.

Sa complaint ni Maniago, hindi dapat na maging valid ang naganap na pagbebenta ng kanyang anak na si Marlito kay dela Fuente sa isa nilang unit ng bus ng Saint Rose Transit Inc. dahil wala silang alam dito at siya ang dapat na magbenta dahil siya ang may-ari nito.

Bukod dito, nananatili anyang nakapangalan pa ang bus batay sa registration nito sa LTO sa kanyang mga anak na sina Marlito at Abelardo.

Nireklamo din ni Maniago na pilit niyang kinakausap si dela Fuente hinggil dito subalit ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ng huli na maayos ang gusot.

Nais ni Maniago na makuha ulit ang bus na sinasabing naibenta kay dela Fuente.

Sinabi naman ng singer na nakahanda siyang patunayan na walang anomalya sa bentahan ng naturang sasakyan. (Angie dela Cruz)

BATASAN HILLS

FUENTE

INTEGRATED METRO BUS OPERATORS ASSOCIATION

LANCASTER ST. HILLSBOROUGH VILLAGE

MANIAGO

MARLITO

MUNTINLUPA CITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE

SAINT ROSE TRANSIT INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with