Dalagang bigo sa pag-ibig tumalon sa tulay
September 11, 2004 | 12:00am
Himalang nakaligtas ang isang babaeng factory worker makaraang magtangka itong magpakamatay at tumalon sa tulay na may 20 talampakan ang taas, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Tanging bali lang sa kaliwang braso at pasa sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Josephine Pavon, 25, residente ng Bonifacio St., Brgy. Hagdang Bato Libis ng lungsod na ngayon ay ginagamot sa Mandaluyong City Medical Center makaraang bumagsak sa konkretong semento sa ibaba ng Guadalupe Bridge na sakop ng Brgy. Ilaya ng nasabing lungsod.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi makaraang umakyat sa nasabing tulay ang biktima at saka nagtangkang magpakamatay at doon tumalon.
Sa kabila nito, himala namang nakaligtas si Pavon sa tiyak na kamatayan.
Ayon sa kapatid nito, problema sa pag-ibig ang sinasabing posibleng dahilan ng pagtatangka nitong pagpapakamatay. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am