^

Metro

36 TABA cops inihatid na sa Subic

-
Tatlumpu’t-anim na tinaguriang TABA cops (Tamad, Abusado, Bastos at Ayaw padisiplinang pulis) mula sa Metro Manila ang inihatid na kahapon sa Subic Naval Base sa Zambales para sumailalim sa re-training course.

Sa send-off ceremony sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Director General Edgar Aglipay na ang unang batch ng TABA cops ay pangangasiwaan ni Senior Supt. Samson Tucay, ang bagong talagang executive officer ng PNP-Director for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD).

Nabatid na karamihan sa mga TABA cops ay mula sa CPD kung saan ang susunod pang batch ay ihahatid din sa kanilang course simula sa Miyerkules ng susunod na linggo.

Ayon naman kay Tucay, masasabak ang mga nabanggit na pulis sa 18 oras na walang humpay na pag-aaral, drills at lectures habang nasa malayong lugar.

Ang lahat naman ng makakalusot ay muling ibabalik sa kanilang mga mother units, habang ang hindi makakapasa ay muling isasalang sa mas matindi pang re-training.

Samantala, sinasabing tatlong pulis-Maynila na tumanggap ng medalya at pagkilala dahil sa kagitingan ang kataka-takang ipatatapon sa Subic para magre-training.

Kabilang sa mga ito sina SPO2 Serafin Galpo, PO3 Roberto Zapata at PO1 Ariel Iringan.

Sinabi pa ng Manila’s Finest Brotherhood President SPO2 Antonio Emmanuel na wala umanong batayan at hindi sumailalim sa wastong proseso ang pagkakasama sa tatlo. Hindi naman umano nahuling natutulog at ngangongotong ang mga ito at walang kaukulang demerit.

Halos ganito rin ang sigaw ng marami pang pulis na inire-training na nagsabing hindi dumaan sa due process ang pagpapatapon sa kanila. Ang ilan pa umano sa kanila ay napag-initan lamang ng kanilang mga superior.

vuukle comment

ANTONIO EMMANUEL

ARIEL IRINGAN

CAMP CRAME

DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

FINEST BROTHERHOOD PRESIDENT

HUMAN RESOURCE AND DOCTRINE DEVELOPMENT

METRO MANILA

ROBERTO ZAPATA

SAMSON TUCAY

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with