^

Metro

Kotong traffic enforcers timbog

-
Huli sa akto ang dalawang kotong traffic enforcer habang kinikikilan ng pera ang isang taxi driver na ginamit ng mga pulis bilang pain sa isinagawang entrapment operation, kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Nakilala ang mga suspect na sina Henry Banzuela, 38, at Alfonso Boquio, 35, kapwa deputized traffic enforcer ng Western Traffic Bureau ng Manila City Hall.

Sa ulat ng pulisya, nadakip ang dalawa dakong alas-8:50 ng gabi sa may kahabaan ng V. Mapa St., Sta. Mesa habang nasa aktong kinokotongan ang taxi driver na si Malenio Carranza II.

Ayon sa pulisya, matagal na silang nakakatanggap ng reklamo buhat sa mga motorista at sa PNP Txt 2920 sa talamak na kotong operation ng dalawang enforcer kaya nagsagawa sila ng entrapment operation.

Kinasabwat ni SPO4 Noel Cabuwat ng WPD-Station 8 si Carranza na isakay siya. Sinadya nilang tawirin ang panulukan ng V. Mapa St. at R. Magsaysay Blvd. kahit na naka-pula ang traffic light. Dito na sila pinara ng enforcer na si Boquio.

Nang makitang expired na at hindi ID type ang kanyang lisensya, dito na humingi ng lagay sina Boquio at Banzuela. Tumanggi naman ang mga ito sa halagang P200 na iniaalok ni Carranza dahil sa patung-patong umano ang kanyang violation.

Agad na kumilos si Cabuwat at iba pang kasamahang pulis na nag-aabang kung saan kanila nang dinamba ang dalawa.

Itinanggi naman ng dalawa ang paratang sa kanila sa kabila ng pagkakahuli sa akto. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALFONSO BOQUIO

BOQUIO

CARRANZA

DANILO GARCIA

HENRY BANZUELA

MAGSAYSAY BLVD

MALENIO CARRANZA

MANILA CITY HALL

MAPA ST.

NOEL CABUWAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with