^

Metro

2 illegal recruiters, tiklo

-
Dalawang pinaghihinalaang notoryus na illegal recruiter na nangangako ng magandang trabaho sa Korea ang nasakote sa isang entrapment operations sa Taguig City.

Ang mga suspect na sina Rosalina Adriatico, 37, ng Vigan, Ilocos Sur at Rolando Binala, 33, ng Batac, Ilocos Norte ay nasakote bandang alas-6 ng umaga sa bisinidad ng Bases Conversion Development Authority sa Taguig City.

Sinabi ni CIDG Chief Arturo Lomibao na agad silang nagsagawa ng entrapment operation laban sa mga suspect matapos ireklamo ang mga ito kamakalawa ng kanilang biktima na si Rogelio Ramos na hiningan ng malaking halaga ng ‘placement fee’ kapalit ng pangakong trabaho sa Korea.

Kahit na nakapagbayad na umano ang biktima ay tinawagan siyang muli ng mga suspect at humihingi na naman ng panibagong kabayaran para naman umano sa pagpoproseso ng kanyang mga papeles na nagbunsod ng pagdududa ng una.

Nabatid pa sa beripikasyon na walang ‘job order’ sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang mga suspect at hindi ang mga ito lisensiyadong recruiters.

Agad na nagsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng PNP-CIDG na nagresulta sa pagkakasakote sa mga suspect sa aktong tumatanggap ng ‘marked money’ mula sa biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BASES CONVERSION DEVELOPMENT AUTHORITY

CHIEF ARTURO LOMIBAO

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

JOY CANTOS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY

ROGELIO RAMOS

ROLANDO BINALA

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with