Dalaga, 1 pa tiklo sa karnap
September 9, 2004 | 12:00am
Isang 19-anyos na dalagang karnaper at isang kaibigan nito ang kapwa nadakip ng pulisya matapos na mamataan ang mga ito sa isang follow-up operation, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang suspect na sina May Galla, ng #145 M.H. del Pilar St., Brgy. Pamplona St., Las Piñas City at Dennis Catungal, 31, residente ng #344 Nueva St., Binondo, Manila, parehong nahaharap sa kasong paglabag sa RA 6539 o Anti-Carnapping Act.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi nang madakip ang mga suspect sa kahabaan ng Marconi St., Brgy. Palanan, Makati City sa isang follow-up operation. Habang minamaneho at sakay ang mga ito ng isang itim na Toyota Revo, SR Wagon na may plakang XGM-403 na pag-aari ng isang Edgardo Villaruel, taga-Veraville Homes 3, Brgy. Talon, Las Piñas City.
Sa record ng pulisya, iniulat na isang hot car ang naturang sasakyan kung saan ang "modus operandi" ng mga suspect ay magrerenta ng sasakyan hanggang sa karnapin na nila ito.
May hinala ang pulisya na ang mga suspect ay posibleng sangkot sa ilang serye ng pangangarnap ng mga sasakyan sa bisinidad ng Makati City. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 10, 2026 - 12:00am