Humoldap, pumatay sa estudyante arestado
September 9, 2004 | 12:00am
Matapos ang mahigit na isang buwang pagtatago, dalawang kilabot na holdaper na responsable sa pamamaslang sa isang estudyante ang naaresto ng mga tauhan ng WPD, kamakalawa ng gabi sa Maynila.
Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Marcelino Herrera, 25; at Marlon de Guzman, 18, kapwa naninirahan sa Parola Compound, Tondo. Ang dalawa ang itinuturong humoldap at pumatay sa estudyanteng si Joshua Ranola, 17, estudyante ng City Colleges of Manila.
Hinoldap ng mga suspect ang isang pampasaherong jeep noong Hulyo 28 na kinalululanan ni Ranola. Nabatid na pumalag ang biktima ng kunin ang kanyang cellphone kaya ito pinagsasaksak ng mga suspect.
Nabatid na unang nadakip ang dalawa ng mga tauhan ng WPD Station 2 sa Tondo dahil sa kasong vagrancy at concealing deadly weapon.
Sa loob ng presinto isang saksi ang nakakilala at lumutang at itinuro ang mga ito na siyang sangkot sa panghoholdap at pagpatay kay Ranola.
Dahil dito, nadagdagan ang kaso ng mga suspect na sinampahan agad ng kasong robbery with homicide. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 22, 2026 - 12:00am