Trader nilooban na pinatay pa
September 9, 2004 | 12:00am
Isang 59-anyos na negosyante ang binaril at napatay ng dalawang lalaking pinaniniwalaang miyembro ng Motorcycle Gang", na sumalakay sa kanyang tindahan, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Patay na nang idating sa Alabang Medical Center ang biktimang si Amado Masacayan, ng Block 3, Lot 10, Jasmin St., Don Juan, Bayview Subdivision, Brgy. Sucat ng nabanggit na lungsod.
Samantala, kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect na sakay ng motorsiklo tangay ang hindi pa mabatid na halaga na kinulimbat sa biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa General Merchandise Store na matatagpuan sa 243 Purok 2, Meralco Road, Brgy. Sucat, Muntinlupa City.
Nabatid na habang nagbabantay ang biktima sa kanyang tindahan nang biglang sumalakay ang dalawang suspect.
Walang pakundangang pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mga biktima bago tuluyang nagsitakas.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang alam na may kaaway ang nasawi, kung kayat pagnanakaw ang pangunahing anggulong sinisiyasat ngayon ng pulisya.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, gayundin ang manhunt operation laban sa mga suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended