^

Metro

Precint commander, 1 pang tauhan sinibak dahil sa kotong

-
Matapos ang pinakabagong pagpapaigting na kampanya laban sa kotong cops ng PNP, sinibak kahapon ang isang station commander ng Mandaluyong Police Station at tauhan nito makaraang ireklamo ang mga ito ng pangongotong.

Sinibak ni Supt. Erikson Velasquez, hepe ng Mandaluyong Police sina Inspector Ampor Cerillo, hepe ng PCP 5 ng Mandaluyong City at ang tauhan nitong si Christian Caoagdan para sa kaukulang imbestigasyon makaraang ireklamo ni Rolando Bacus na umano’y humuli at kumuha umano sa kanyang P1,000 at cellphone sa loob ng nasabing istasyon.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Bacus, residente ng Laong Compound Alamanza 1, Las Piñas City, kasalukuyan siyang naghihintay ng masasakyan sa kanto ng EDSA at Shaw Boulevard dakong ala-1:35 ng hapon noong nakaraang Setyembre 2 ng lapitan umano ito ng isang pulis. Pinagkamalan umano siyang isnatser at pagkatapos ay ipinosas at dinala sa PCP 5.

Sa loob ng nasabing istasyon ay iniharap umano ang biktima ng humuling pulis sa isang nakaunipormeng pulis na may nameplate na Cerillo.

Pilit umano siyang pinaaamin na isang isnatser kung saan pinaiwan pa sa kanya sa lamesa ang kanyang P1,000 cash at Nokia 3350 na cellphone.

Pinakawalan lang umano ng mga nasabing pulis ang biktima ng pumayag itong magtrabaho sa kanila bilang isnatser at nangakong magbibigay ng halagang P500 kada Sabado.

Kaagad namang nagreklamo ang biktima sa tanggapan ng Eastern Police District at ng samahan ito pabalik sa nasabing istasyon ay positibong kinilala ang dalawang pulis. (Ulat ni Edwin Balasa)

CHRISTIAN CAOAGDAN

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

ERIKSON VELASQUEZ

INSPECTOR AMPOR CERILLO

LAONG COMPOUND ALAMANZA

LAS PI

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG POLICE

MANDALUYONG POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with