^

Metro

Transport groups tinaningan ang pamahalaan sa diskuwento sa diesel

-
Hanggang Sabado na lamang ang ibinigay na panahon ng grupong Philippine Confederation of Drivers Organization of Concerned Transport Operators (PCDO-ACTO) sa pamahalaan upang pagbigyan sila sa hinihiling na pisong diskuwentro sa produktong diesel kung hindi ay mapipilitan na lamang silang maghain ng petisyon para maitaas pa sa P1 ang pamasahe.

Ayon kay PCDO-ACTO President Efren de Luna, hanggang ngayon ay wala pang nagaganap na pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng kanilang grupo sa nakaraang linggo kaugnay sa kanilang hiling na pisong diskuwentro sa diesel.

Idinagdag pa ni De Luna na isinantabi umano ng kanilang grupo ang petisyon sa pagtataas ng pamasahe dahilan sa mabibigyan umano sila ng diskuwentro sa diesel pero tila ito ay drawing lamang.

Kung hindi umano sila ipapatawag para sa pag-uusap tungkol dito, mapipilitan na lang silang mag-file ng petisyon para maitaas ang pasahe.

Matatandaang nagkasundo ang PCDO-ACTO at FEDJODAP sa pangunguna naman ni Zeny Maranan na magtaas ng piso sa pamasahe kapag ang presyo ng diesel ay umabot na sa P21 kada litro. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

DE LUNA

DRIVERS ORGANIZATION OF CONCERNED TRANSPORT OPERATORS

EDWIN BALASA

HANGGANG SABADO

IDINAGDAG

MATATANDAANG

PRESIDENT EFREN

ULAT

ZENY MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with