^

Metro

Bugaw ng mga dayuhang pedopilya, arestado

-
Nadakip na ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang kilabot na bugaw na nangangalap ng mga paslit, lalaki man o babae at saka ibinebenta sa mga dayuhang pedopilya, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang nadakip na suspect na si Renato Paredes, ng Dapitan St., Sampaloc, Maynila.

Ayon sa ulat, nadakip ng mga miyembro ng Station 5 Mobile Patrol Unit ang suspect dakong alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng Padre Faura at Adriatico St. Ermita, Maynila.

Isang bata ang takot na takot na lumapit sa nagpapatrulyang pulis at isinumbong ang ipinagagawa sa kanila ng suspect na si Paredes. Agad namang naaresto si Paredes habang kasama pa ang apat na batang palaboy.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, tinatayang nasa 8 hanggang 12-taong gulang ang mga batang kinukuha ni Paredes na ibinebenta nito sa mga dayuhang pedopilya.

Ayon sa isang biktima nito na itinago sa pangalang "Junjun" na ibinenta siya ni Paredes sa isang Amerikano sa halagang P1,500. Matapos umano siyang abusuhin ng dayuhan, binigyan siya ni Paredes ng P500.

Malaki naman ang hinala ng pulisya na miyembro si Paredes ng isang malaking sindikato ng white slavery at child prostitution sa Ermita. Ito marahil ang nagsisilbing bugaw ng sindikato. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADRIATICO ST. ERMITA

AYON

DANILO GARCIA

DAPITAN ST.

ERMITA

MAYNILA

MOBILE PATROL UNIT

PADRE FAURA

PAREDES

RENATO PAREDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with