Rambulan sa pabrika: 1 patay, 1 sugatan
September 7, 2004 | 12:00am
Isang 18-anyos na binata ang nasawi habang malubha naman ang kasamahan nito matapos ang naganap na rambol sa pabrikang pinagtatrabahuhan ng mga ito sa Valenzuela, kahapon.
Patay na nang idating sa Valenzuela District Hospital ang biktimang si Jerry Zantau, ng 2099 Lamesa St., Brgy. Ugong ng nabanggit na lungsod sanhi ng malalim na saksak na tinamo nito sa sikmura. Sugatan naman si Noel Lopera ng nasabi ring lugar.
Samantala, agad namang nadakip ang mga suspect na sina Jhoney Madrillos, George Roncal, Dennis Tollado at Jovito Jutajero, pawang mga empleyado ng Gentex Plastic Manufacturing na kasamahan ng mga biktima.
Binanggit pa sa ulat na dakong alas-5 ng hapon ng kamakalawa nang magsalubong ang grupo ng sinibak na mga empleyado at kasalukuyang mga manggagawa sa pabrika.
Dito na nagkaroon ng rambulan sa magkabilang panig, hanggang sa makitang duguang humandusay ang mga biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended