^

Metro

Coed nagbaril sa sarili

-
Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang dahilan ng umano’y pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ng isang estudyante sa loob ng silid nito, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Bernardino General Hospital si Janise Ian Carpio, 22, dalaga at residente ng 39 Lazaro Subd., Damong Maliit, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala ng baril sa tiyan.

Sa imbestigasyon ni PO1 Ernesto Fabre ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) dakong alas-11:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima.

Ayon sa ama ng biktima na si Inspector Edgardo Carpio, nakatalaga sa Western Police District (WPD) nakarinig na lamang sila ng tatlong putok ng baril mula sa silid ng kanyang anak.

Agad nilang tinungo ang silid ng biktima subalit nakakandado ito at walang sumasagot ng kanilang katukin.

Dahil dito, napilitan si Inspector Carpio na puwersahing buksan ang kuwarto ng anak. Agad itong isinugod sa ospital subalit namatay din makaraan ang ilang minuto.

Inaalam pa ng pulisya kung ang baril ng kanyang ama ang ginamit ni Janise sa pagpapakamatay.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang malaman kung may naganap na ‘foul play’ sa insidente. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BERNARDINO GENERAL HOSPITAL

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DAMONG MALIIT

DORIS FRANCHE

ERNESTO FABRE

INSPECTOR CARPIO

INSPECTOR EDGARDO CARPIO

JANISE IAN CARPIO

LAZARO SUBD

NAGKAISANG NAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with