Manilas Finest pumalag sa panukala ni Gen. Aglipay
September 4, 2004 | 12:00am
Pumalag ang daan-daang miyembro ng Manilas Finest Brotherhood sa pinakabagong direktiba ni PNP Chief Director General Edgar Aglipay sa pagdodonasyon ng isang araw nilang suweldo sa kaban ng gobyerno dahil na rin sa nararanasang fiscal crisis ng bansa.
Sinabi ni Manilas Finest President SPO2 Antonio Emmanuel na hindi makatuwiran ang ipinag-uutos ni Aglipay dahil hindi naman lahat ng pulis ay nakakarangya sa buhay.
Ipinaliwanag pa nito na marami sa mga pulis ay hindi nakakapag-uwi ng buo sa kanilang suweldo dahil sa dami ng kaltas, dagdag pa ang mga loan ng mga ito. Ang iba umano ay nakakapag-uwi lang ng P1,000 suweldo na kung kakaltasan pa ay halos wala nang natitira.
"Kahit isang araw lang malaking bagay na. Most of the police cannot afford decent life, marami ang naghihirap at marami ang may sakit", dagdag pa ni Emmanuel.
Wala umanong pulis na nasa matinong pag-iisip ang mag-aambag ng kanilang suweldo gayung kulang pa ito sa sarili nilang pamilya.
Kaya nga ang rekomendasyon ng mga pulis dapat umano ang mga heneral at iba pang opisyal sa PNP ang mag-ambag ng kanilang isang buwang sahod para makalikom ng nais ni Aglipay na P25 milyon para sa pamahalaan.
Kung magiging puwersahan ang pagkakaltas ng isang araw sa kanilang suweldo tulad ng utos ni Aglipay sa PNP Directorate for Comptrollership ay magiging paglabag ito sa human rights ng mga pulis.
"Wala silang karapatan na ipamigay ang aming suweldo na aming pinaghihirapan para sa aming pamilya na ang dahilan lamang ay nais nilang magpapogi", dagdag pa ng isang nanggagalaiting pulis.
Magugunitang unang pumalag ang mga pulis sa Makati City sa panukalang ito ng bagong PNP chief. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended