Pulis patay sa sariling baril
September 3, 2004 | 12:00am
Isang beteranong pulis ang nasawi makaraang aksidenteng mabitiwan ang nililinis na baril ng dalawang beses pumutok na tumama sa kanya, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si SPO3 Solomon Bataller Jr., 45, nakatalaga sa WPD-Homicide Division at residente ng 679-A Felina St., Sampaloc.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa loob ng bahay nito kung saan kanyang nililinis ang kanyang kalibre 9mm service firearm.
Aksidente umanong nalaglag ang baril nang madulas ito na dalawang beses pumutok. Tinamaan ang naturang pulis sa kanyang baba at dibdib.
Agad na isinugod sa Sampaloc Medical Center ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended