Magkapatid na dinukot ng amain, nasagip
September 3, 2004 | 12:00am
Nasagip ng pinagsanib na puwersa ng Makati City Police at Presidential Anti Crime Emergency Response (PACER) ang isang magkapatid na kinidnap ng dating live-in partner ng kanilang ina hanggang sa naaresto naman ito, ngunit hindi nadala ang suspect ng mga pulis matapos na makialam at pigilan ng isang hukom sa Romblon, Romblon kamakalawa.
Nasa kustodya ngayon ng Womens and Children Protection Desk, Makati City Police ang magkapatid na biktima na sina Christian Snow, 5; at Chrizia Guingoyon, 4, ng #527 Techno Road, Brgy. dela Paz, Antipolo City.
Samantala, kinilala naman ang suspect na si Ernesto Parinas, 32, nakatira sa #557 J. Luna St., Brgy. 125, Zone 12, Pasay City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang ma-rescue ang mga biktima ng pinagsanib na puwersa ng PACER at Makati City Police sa pamumuno ni Inspector Garry Reyes sa Quezon St., Brgy. 1, Romblon, Romblon sa isang follow-up operation.
Nadakip na ng mga pulis ang suspect na si Parinas at nang dadalhin na nila ito papuntang Maynila biglang nakialam at pinigilan ang mga ito ng isang Judge Vedasto Marco.
Kung saan ang tiyahin ng suspect na nakilalang si Emma Reyes ay kawani sa sala ng naturang hukom.
Matatandaan na noong Hunyo 10, 2004 kinidnap ang mga biktima ng suspect sa dating tinitirhan ng mga ito sa Caliles St., Brgy. Bangkal, Makati City.
Kung saan si Parinas ay dating live-in partner ng ina ng mga biktima na kasalukuyang nasa Japan ngayon na nakilalang si Michelle Guingoyon, 26.
Dahilan nang pangingidnap ng suspect sa mga biktima ay upang ang mga perang pinadadala ni Michelle ay mapunta sa kanya. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am