^

Metro

Gen. Matillano ininguso sa pagtakas ni Al Ghozi

-
Matapos ang mahigit isang taon na pananahimik, ibinunyag kahapon ng isang Army colonel na isang mataas na opisyal ng Phil. National Police (PNP) ang nasa likod ng pagpapatakas sa napatay na puganteng si Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi noong 2003.

Ito ang walang pangingiming isiniwalat kahapon ni Lt. Col. Oscarlito Mapalo, ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1979, deputy chief ng Ordnance and Chemical Service ng AFP sa isang press briefing kahapon.

Si Mapalo ay sinasabi ring intelligence officer ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP).

Ayon kay Mapalo, si Deputy Director Gen. Eduardo Matillano, Directorate for Investigative and Detective Management (DIDM) ng PNP ang nasa likod ng pagpapatakas kay Al-Ghozi at dalawa pang lokal na teroristang kasapi sa Abu Sayyaf Group (ASG) na sina Abdulmukin Edris at Omar Opik Lasal sa detention cell ng PNP Intelligence Group sa Camp Crame noong Hulyo 14, 2003.

Ang misteryosong pagtakas nina Al-Ghozi ay naganap noong si Matillano ay kasalukuyan pang hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Sinabi ni Mapalo na nakatanggap umano siya ng impormasyon mula sa isang mapagkakatiwalaang opisyal ng PNP na si Matillano ang nasa likod ng pagpapatakas kina Al-Ghozi upang siraan si dating PNP chief Ret. Director General Hermogenes Ebdane Jr. at magpapaangat naman sa career nito bilang isa sa mga contenders ng PNP top post kapag nahuli o napatay ng PNP CIDG ang nasabing Indon terrorist.

Ayon pa kay Mapalo, matindi umano ang bangayan sa hirarkiya ng PNP partikular na sa pagitan ng mga contenders nito na nagsiraan at nagsapawan sukdulang masira ang imahe ng pambansang pulisya.

Magugunita na si Edris kasama ang isang sub-commander ng MILF lost command ay napaslang naman sa Brgy. Banga-an, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Sur noong Agosto 7, 2003.

Si Lasal ay nadakip naman sa isang checkpoint sa Dimalinao, Zamboanga del Sur noong Oktubre 8, 2003.

Samantalang si Al-Ghozi ay napatay naman ng pinagsanib na operatiba ng militar sa Brgy. Midtipan, Pigkawayan, North Cotabato noong Oktubre 12. (Ni Joy Cantos)

ABDULMUKIN EDRIS

ABU SAYYAF GROUP

AL-GHOZI

AYON

BRGY

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPUTY DIRECTOR GEN

MAPALO

PNP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with