3 nagtatapon ng 'ebak', arestado
September 2, 2004 | 12:00am
Arestado ang tatlo katao makaraang maaktuhan ito ng mga nagrorondang pulis habang nasa aktong nagtatapon ng dumi ng tao sa isang imburnal, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Tinangka pa ng mga suspect na sina Romeo Taglay, 30; Ramil Gomez, 21 at Benny Caladizo, 29, pawang empleyado ng EMB Excavation and Plumbing Service na suhulan ang mga pulis na humuli sa kanila,
Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi habang nagpapatrulya ang dalawang pulis lulan ng kanilang mobile car sa kahabaan ng Ortigas Extension sa lungsod nang matiyempuhan ang mga suspect na nagtatapon ng dumi ng tao gamit ang isang malaking hose na ikinabit sa kanilang trak.
Agad na sinita ng mga pulis ang mga suspect subalit nag-alok pa ang mga ito ng halagang P500 para sila palayain, gayunman idineretso sila ng mga pulis sa presinto. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest