^

Metro

44 madayang gasolinahan, iboboykot ng transport groups

-
Boykot ang sagot ng transport groups sa ginawang pandaraya ng may 44 na gas stations sa Quezon City na napatunayang kulang sa litro ang ibinebentang produktong petrolyo.

Ayon kay Mar Garvida, Pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) bukod sa pagkondena sa ginawang ito ng nabanggit na mga gasolinahan, hindi na rin sila magpapakarga pa sa mga gasolinahang ito na napatunayan ng QC government na nandaraya sa mga motorista.

Binigyan na rin nila ng kopya ng listahan ng mga ‘ manlolokong’ gasolinahan ang kanilang mga miyembro para hindi na puntahan ng mga ito.

Bukod dito, binigyang diin pa ni Garvida na mula bukas (Setyembre 3) ay sisimulan nila ang noise barrage sa mga gasolinahan at sa susunod na linggo ay regionwide ang kanilang isasagawang pagkilos.

Bago anya matapos ang buwan ng Setyembre, ipatutupad na nila ang nationwide paralization ng operasyon ng may 250,000 nilang miyembro sa buong bansa bilang patuloy na protesta sa sunud-sunod na oil price increase.

Hinikayat din ng PISTON ang pamahalaang Arroyo na magpatupad na ng mabilisang hakbang upang matigil na ang serye ng oil price increase sa bansa.

"Maaari namang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng halaga ng gasolina kung talagang gagawin ito ng Pangulo at tututukang mabuti ang usaping ito na lubhang nagpapahirap sa taumbayan," pahayag pa ni Garvida. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

GARVIDA

MAR GARVIDA

OPERATORS NATIONWIDE

PANGULO

PINAGKAISANG SAMAHAN

QUEZON CITY

SETYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with