8 NPA nasabat sa checkpoint
September 2, 2004 | 12:00am
Walo kataong pinaniniwalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang dinakip makaraang mahulihan ng mga baril at bala sa isinagawang checkpoint, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Eric Ignacio, 25; Joven Bartulay, 44; Rafael Santos, 24; Ramil Olivia, 25; Rannie Garcia, 24; Rey Francisco, 20; Inocentes Duhang, 59 at Mariano Garcia, 29, pawang mula sa Montalban, Rizal.
Ayon sa pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang masabat sa checkpoint sa kahabaan ng Molave St. sa Brgy. Payatas ang walo habang sakay sa isang walang plakang Ford Fierra.
Nakuha sa mga ito ang tatlong. 45 caliber, magnum .357 revolver, bala ng baril, dalawang M-16 automatic rifle, magazine at mga bala.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang mga nadakip kung bakit sila may dalang matataas na kalibre ng baril. Malaki rin ang hinala ng pulisya na hindi totoong ito ang mga pangalan ng mga suspect at posibleng ang ibinigay ng mga ito sa pulisya ay coded.
Ayon pa sa pulisya posibleng may isasagawang misyon ang mga ito nang masabat sa checkpoint.
Maaaring sangkot din ang mga ito sa mga malalaking holdapan na nagaganap sa Metro Manila o kaya ay sa kaso ng pangingidnap.
Nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession of firearms ang mga nadakip sa Quezon City Prosecutors Office at posibleng dalhin din ang mga ito sa Camp Crame o sa intelligence service ng AFP. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended