^

Metro

Pulis ibinawal maglaro ng golf

-
Tahasang sinabi ni NCRPO chief Director Avelino Razon na masisibak sa serbisyo ang sinumang opisyal at tauhan ng NCRPO na mahuhuling naglalaro ng golf sa oras ng trabaho.

Batay sa inisyung Memorandum No. 4, mahigpit na binabawalan ni Razon ang mga opisyal at tauhan ng NCRPO na maglaro ng golf tuwing Lunes hanggang Biyernes partikular na sa oras ng trabaho.

Binigyan-diin ni Razon na dapat na ipokus ng mga pulis ang kanilang oras sa trabaho lalung-lalo na sa pagresolba ng kriminalidad.

Sinabi ni Razon na hindi rin maaaring gawing alibi ng mga pulis ang "golf tournament' upang makapaglaro ng golf.

Aniya, maging sa regular athletics day ng PNP tuwing Martes at Huwebes ng hapon ay bawal ding mag-golf ang mga pulis dahil nakalaan ito sa calisthenics at athletics na aktibidad ng PNP.

Mayroon umanong sariling oras ang mga golfer tuwing weekends kung nais nilang maglaro ng golf.

Matatandaan na si retired PNP director Florencio Fianza ay nalagay sa kontrobersiya matapos na mahuling naglalaro ng golf sa Baguio City noong 2002. (Ulat ni Joy Cantos)

ANIYA

BAGUIO CITY

BATAY

BINIGYAN

DIRECTOR AVELINO RAZON

FLORENCIO FIANZA

GOLF

JOY CANTOS

MEMORANDUM NO

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with