^

Metro

Maninikwat naaktuhang nagpapalit ng cheke

-
Huli sa akto ang isang miyembro ng Salisi Gang matapos itong ireklamo ng isang negosyante habang nagpapa-encash ng pekeng tseke kamakalawa ng gabi sa Pandacan, Maynila.

Kasalukuyang nakakulong sa WPD-Station 10 ang suspect na si Godofredo Datul, 39, ng Blk. 8, Lot 14, Cherry Homes, Mambog Bacoor Cavite at nagpakilala ding si PO2 John Lloyd Cristobal ng Cavite-PNP matapos na ireklamo ni Anita, Busi, 38, businesswoman.

Ayon kay Busi, dakong alas-7 ng gabi nang magtungo sa kanyang bahay ang suspect at ipinapapalit sa mas mababang halaga ang kanyang hawak na tseke ng Land Bank na nagkakahalaga ng P8,000.00.

Upang makasiguro, hiningan ni Busi ng ID si Datul subalit napansin niyang ibang picture ang nakalagay sa ID. Agad na tumawag sa Station 10 si Busi upang arestuhin ang suspect.

Nagalit ang suspect nang siya ay huhulihin kung kaya’t nagpakilala na itong pulis. Wala namang maipakitang ID ng pulis ang suspect.

Nakuha sa suspect ang iba’t ibang uri ng ID na pinaniniwalaang ginagamit ng suspect sa kanyang modus operandi. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ANITA

BUSI

CHERRY HOMES

GEMMA AMARGO

GODOFREDO DATUL

JOHN LLOYD CRISTOBAL

LAND BANK

MAMBOG BACOOR CAVITE

SALISI GANG

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with