Kidnap victim 'sinalvage'
August 30, 2004 | 12:00am
Isang lalaki na pinaniniwalaang kidnap victim ang natagpuang nakatali ang kamay at balot ng packaging tape ang buong mukha sa liblib na lugar kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Walang pagkakakilanlan ang biktima maliban sa ito ay tinatayang nasa edad na 40-45, Chinese looking, nakasuot ng Bench T-shirt, maong pants at sapatos na may tatak na Perry.
May tama ng bala ng baril ang biktima sa likod ng tenga na pinaniniwalaang naging sanhi ng kamatayan nito.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga ng matagpuan ang biktima sa liblib na lugar ng Sitio Sulok, Brgy. Ugong ng nasabing lungsod.
Ayon sa pulisya, posibleng biktima ng kidnap for ransom ang natagpuang bangkay ng biktima matapos na tumanggi ang pamilya nito na magbigay ng ransom money kung kayat pinatay na lamang ng sindikato.
Sinabi naman ng ilang residente na wala naman silang narinig na anumang putok ng baril, kung kayat may hinala ang mga awtoridad na sa ibang lugar pinatay ang biktima at dinala lamang sa Sitio Sulok upang iligaw ang imbestigasyon.
Sa kabila nito, nagsasagawa pa rin ng masusing pagsisiyasat ang mga awtoridad upang makilala ang biktima at motibo ng pamamaslang dito. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended