^

Metro

Paslit lumutang sa ilog; pinapak ng isda

-
Isang di pa nakikilalang batang lalaki ang natagpuan ng mangingisda na lulutang-lutang sa isang bahagi ng ilog, kahapon ng umaga sa Marikina City.

Ang biktimang natagpuang hubo’t hubad at may mga kagat ng isda sa katawan ay tinatayang nasa edad 5 hanggang anim na taong gulang.

Batay sa ulat ni SPO2 Glenn Aculana, natagpuan ang biktima dakong alas-9 ng umaga sa ilog malapit sa Balubad Resettlement Site, Brgy. Malanday ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na napansin ng mangingisdang kinilalang si Joly Milan, 32, residente ng nabanggit na lungsod na mayroong malalaking isda ang nagkukumpulan di-kalayuan sa kanyang pinangingisdaan kung kaya’t nilapitan niya ito.

Laking gulat niya nang makita ang lumulutang na biktima na mayroong mga sugat sa katawan sanhi ng kagat ng mga isda at nagtataglay na ng mabahong amoy dahil sa nagsisimula na itong maagnas.

Agad na ipinagbigay-alam ni Milan sa pulisya ang natuklasan. Mabilis namang rumesponde ang pulisya upang maiahon agad ang bata sa tubig.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BALUBAD RESETTLEMENT SITE

BATAY

BRGY

EDWIN BALASA

GLENN ACULANA

ISANG

JOLY MILAN

MABILIS

MALANDAY

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with