Kuta ng 'Tirtir' at 'BNG' gang sinalakay
August 28, 2004 | 12:00am
Sinalakay ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Central Police District ang umanoy hideout ng mga pinaniniwalaang holdaper at drug pusher kung saan isa dito ang malubhang nasugatan matapos na manlaban sa mga awtoridad, kahapon ng tanghali sa Quezon City.
Nakilala ang sugatang suspect na kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) na si Mario Guimara, 38, alyas Bromar, ng San Roque Alley, Agham Road, Quezon City. Sumasailalim naman sa interogasyon sa himpilan ng pulisya ang umanoy bodyguard nito na sina Nicole Quizora at Wilson Acorda ng nabanggit ding lugar.
Ayon kay Chief Inspector Rudy Jaraza, hepe ng intelligence unit ng CPD na isi-serve nila dakong alas-12:30 ng tanghali ang search warrant na inisyu ni QCRTC Judge Natividad Dizon kay Guimara nang biglang sumipol ang isa sa mga bodyguard nito na palatandaan na may paparating na mga pulis.
Agad namang kinuha ni Guimara ang kanyang baril at mabilis na pinaputukan ang mga paparating na awtoridad. Dahil dito, gumanti naman ng putok ang mga pulis kung saan tinamaan si Guimara sa katawan.
Ayon pa sa pulisya nakatanggap sila ng report na sa naturang lugar naglulungga ang mga kilabot na holdaper kung kaya agad silang nagsagawa ng surveillance at saka kumuha ng search warrant.
Kabilang umano sa naglulungga dito ang mga Tirtir at Bahala Na Gang na nag-ooperate sa kahabaan ng Commonwealth, Quezon Avenue at EDSA. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest