Bagong bagyo inaasahan
August 26, 2004 | 12:00am
May papasok na bagong bagyo sa bansa na namataan sa layong 1,600 kilometro ng Silangan ng Batanes taglay ang pinakamalakas na hangin na 210 kilometro bawat oras malapit sa gitna kasabay ng pabugsu-bugsong hanging aabot sa 260 kilometro kada oras.
Samantala, ang bagyong Marce ay tinatayang nasa layong 520 kilometro ng hilagang-kanluran ng Batanes na may taglay na lakas na hangin 140 kilometro kada oras at pabugsu-bugsong hangin na may 170 kilometro bawat oras.
Mananatiling makakaranas ang Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas ng mga pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinalalakas pa ng papasok na bagyo.
Ang ibang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-alon at pagkidlat habang ang Mindanao ay daranas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended