Traders pumalag sa 'lechon robbery'
August 25, 2004 | 12:00am
Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng La Loma Police Station ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan na sakay ng isang van matapos na kunin at nakawin ng mga ito ang limang lechon sa mga tindahan sa Quezon City.
Batay sa blotter ng CPD La Loma Station na may pamagat na Lechon Robbery, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali matapos na magreklamo ang mga tauhan ng tatlong tindahan ng lechon na nasa Calavite St., Brgy. Paang Bundok, La Loma.
Sa pahayag nina Ryan Ferreros ng Ryans Lechon; Rodolfo Salote ng Milas Lechon at Albert Guilange ng Mongchees Lechon na bigla na lamang dumating ang isang KIA van na may sakay ang ilang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at armado ng mga baril.
Bumaba ang mga suspect at biglang kinuha ang limang lechon na nagkakahalaga ng P4,000 bawat isa.
Sinabihan umano sila ng mga ito na clearing operation lamang ang kanilang ginagawa dahil nakakasagabal umano sa daloy ng trapiko ang mga naka-display na lechon. Subalit wala namang ibinigay sa kanila na anumang citation ticket o anumang violation.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang posibleng sangot sa lechon robbery. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended