18-anyos nasawi sa panganganak
August 23, 2004 | 12:00am
Dahil sa sobrang pagkaantala nang hindi padaanin ng mga guwardiya ng isang subdivision na pag-aari ni Senator Manuel "Manny" Villar ay naubusan ng dugo at nasawi ang isang 18-anyos na babae sa Las Piñas City, ayon sa ulat kahapon.
Dead-on-arrival sa Muntinlupa City Medical Center ang biktimang si Allen Kaye Foster, ng Makati Ext., Sitio Malipay 3, Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite.
Sa salaysay ng mga kamag-anak ng biktima, dakong alas-12 ng tanghali noong Agosto, 19 nang biglang sumakit ang tiyan ng biktima at nakiusap sila sa mga guwardiya ng gate ng subdivision na pag-aari ni Villar sa dakong boundary ng New Bilibid Prison (NBP) at Muntinlupa City na padaanin ang traysikel na sinasakyan ng biktima upang makaiwas sa trapiko at mapadali ang pagpunta nila sa ospital.
Sa halip umano na pagbigyan sila sa kanilang kahilingan dahil nga manganganak na ang biktima ay lalong naantala ang pagpunta nila sa ospital dahil sa pagharang ng mga guwardiya sa traysikel na kinalululanan ng biktima, dahilan upang patakbong binuhat na lamang ng kanyang mga kaanak ang huli patungo sa nabanggit na pagamutan.
Nang suriin ng mga doktor ang biktima ay patay na ito nang idating sa nasabing pagamutan sanhi ng pagkaubos ng dugo nito.
Sinisi naman ng mga kaanak ng biktima ang mga guwardiya ng subdivision ni Villar dahil sa hindi pagpayag ng mga ito na padaanin ang traysikel sa gate ng subdivision na magdadala sana sa biktima sa ospital na naging dahilan upang maubusan ito ng dugo na kanyang ikinasawi . (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest