^

Metro

Lalaki napagtripang todasin ng adik

-
Nasawi ang isang 23-anyos na binata na pinaniiwalaang napagtripang ng adik na barilin sa likurang bahagi ng katawan ng isang di-kilalang lalaki habang papauwi ang biktima mula sa lamay ng namayapang kaibigan kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Namatay habang ginagamot sa Pasig City General Hospital ang biktimang si Rey Peres ng 1049 Dahlia St., Napico, Barangay Manggahan ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang hindi pa nakikilalang lalaki na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-9 ng gabi sa panulukan ng M. L. Quezon Ext. at Napico habang naglalakad ang biktima.

Mabilis na isinugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima ng traysikel drayber na si Andres Gonzales Jr., na nakasaksi sa insidente, subalit makalipas ang tatlong oras ay idineklarang patay. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANDRES GONZALES JR.

BARANGAY MANGGAHAN

DAHLIA ST.

EDWIN BALASA

KASALUKUYAN

NAPICO

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON EXT

REY PERES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with