^

Metro

2 holdaper tiklo habang nagpapartehan ng nakulimbat

-
Kalaboso ang kinahahantungan ng dalawang holdaper makaraang maaktuhan ang mga ito ng mga awtoridad, habang naghahatian ng kanilang mga ninakaw na gamit sa isang biktima, kamakalawa ng hapon sa San Juan, Manila.

Bukod sa pinaghatiang gamit na kanilang nakulimbat mula sa biktimang si Annalyn Pinos, 23-anyos, ng Tatain, Quezon City ay nakakuha din ang pulisya ng apat na sachet ng shabu mula sa mga suspect na sina Sherwin Falcon, 25, at Rannie Salazar, 37, na pawang mga residente ng A.P. Narciso St., Brgy. Corazon de Jesus, San Juan.

Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon nang holdapin ng nabanggit na mga suspect na pawang armado ng di mabatid na kalibre ng baril ang biktima sa kahabaan ng Perez St., Brgy. Corazon de Jesus.

Matapos umano makuha ang mahahalagang gamit ng biktima ay agad na tumakas ang mga suspect, samantalang agad namang humingi ng tulong ang una sa pulisya.

Isa namang saksi ang nagmalasakit sa biktima at itinuro ang pinagtataguan ng mga suspect at nang puntahan ang mga ito ng mga rumespondeng pulis ay naaktuhan pa ang mga ito na pinaghahatian ang mga nakulimbat na gamit kung saan ay nakakuha rin ang pulisya ng apat na sachet ng shabu at ilang drug paraphernalias mula sa pag-iingat ng mga suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ANNALYN PINOS

BRGY

CORAZON

EDWIN BALASA

NARCISO ST.

PEREZ ST.

QUEZON CITY

RANNIE SALAZAR

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with