^

Metro

Sore eyes uso kahit tag-ulan

-
Sore eyes uso kahit tag-ulanNagbabala kahapon ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa muling pagsulpot ng sore eyes kahit na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Chirto Navarro, head investigation ng DOH-National Epedimiology Center (NEC) na ang sore eyes ay pangkaraniwang sakit tuwing tag-init subalit dahil sa pabagu-bago ng panahon ay naka-adopt na ang virus o bacteria sa paligid.

Idinagdag pa nito na ang common sore eyes na bacterial ay masasabing kumplikado kung kaya kailangan nang uminom ng anti-biotic ang nagtataglay nito at saka lamang ito gagaling sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Sinabi pa ni Dr. Navarro na maaaring makuha ang nasabing sakit sa pamamagitan ng direct contact o sa pamamagitan ng paglanghap sa secretion nito hanggang sa mapunta sa mata at indirect contact o sa paggamit ng mga bagay na ginamit ng taong may sore-eyes. (Ulat ni Gemma Amargo)

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. CHIRTO NAVARRO

DR. NAVARRO

EYES

GEMMA AMARGO

IDINAGDAG

NATIONAL EPEDIMIOLOGY CENTER

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with